Tuesday, May 14, 2013

Eleksyon 2013

Pagkatapos ng eleksyon na ito, meron kayang magbago?
Pag-unlad ng Pilipinas atin na bang matatamo?

Maraming Pilipino ang lumabas at bumoto
Ngunit hindi lahat natuwa sa kasalukyang resulta nito

Paglipas ng eleksyon, sigurado ako
Hindi lilipas kasabay nito ang mga reklamo ng tao

Reklamo doon, reklamo dito. Sibak doon, sibak dito
Tapos ngayon binoboto? Nakakalito!

Pero sino ba ang nagluklok sa ating pinuno
Hindi ba't ang nakararaming mamamayang Pilipino din mismo

Hay naku, isang bagay lang ang naiintindihan ko
Eleksyon? Hindi nagtatapos ang lahat dito

Dahil ang pagbabago ay di nakasalalay sa iisang gobyerno
O nasa kamay ng iilang pulitiko

Ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sayo
Oo, sa iyo mismo. Kuha mo?!

No comments: