OTWOL: Sampung Bagay na Naituro sa Akin ng Pag-ibig


This spoken word poetry performed by Rico in the finale week of the Philippine TV series "On The Wings Of Love" spike the "kilig" factor in the happiest ending of Clark and Leah's love story.


No doubt this was another hit by the spoken poet himself Juan Miguel Severo. Thank you Gege for sharing your heart with us. 
We will sure miss you Clark and Leah! ( Wala na akong imamarathon ng Friday night hayst ) 

******
Una, MAGBIGAY. Ang mga kamay ng mga umiibig ay hindi basta mga kamay, kundi, mga puno na nakatirik sa matabang lupa — patuloy ang pamumunga para lamang sakanya. At sa paghahandog at pagsasakripisyo lalo itong lalago pa. Ang tunay na umiibig hindi basta nalalanta.
Pangalawa, MAGTIIS. Yakapin ang ligaya maging ang kakambal netong hinagpis. Umiibig tayong kay lambot pero sa pagnanais na wag gumuho ay nagiging bato. Hayaan mo, dahil walang madali sa pag-ibig kundi ang mahulog; lahat ng kasunod, paghihirapan mo.
Kaya’t pangatlo, MAKIPAGLABAN. Ang hamakin ang lahat makapiling ka lamang. Sa laro ng pag-ibig, hindi na bago ang masaktan, pero ang nagtatagumpay ay ang naniniwalang kaya itong lagpasan.
Pang-apat, ikaw ay may karapatang MAGDAMDAM, MAGHINANAKIT, MAGHANGAD ng kahit kaunting pagtugon o kapalit.
Pero, pang-lima, ang tunay na pag-ibig ay hindi takot MAGPAKUMBABA. Handa ang mga palad neto na hawakan ang sintas sa kanyang mukha: aminin ang kanyang kahinaan at pagkakamali. At kung ang nagmamahal ay nagmamahal pa rin…
Ang pang-anim ay magagawa hindi man ito making madali: MAGPATAWAD. Patawarin mo siya. Iluklok ang pag-ibig na higit sa pagkukulang ninyong dalawa. At kung ang lahat ng nabanggit ay hindi na magawa pa…
Gawin ang pang-pito: MAGPARAYA. Isuko ang langit na minsang nilipad mo. Hindi ka mahina, hindi ka duwag. Ang mapagpalayang pag-ibig ay kuntentong makita siya sa alapaap.
Maging handa sa pang-walo, MAGHINTAY. Maghintay ka — may bago mang dumating o bumalik man siya sayo dahil,
Pang-siyam, MAGBABALIK SIYA SAYO. Dahil ang nagmamahal ay laging magbabalik sayo.
At pagsapit ng tagpong ito, gawing araw-araw ang pang-sampu, MANINDIGAN KA. At hangga’t iniibig mo siya at iniibig ka niya, umibig parati nang higit sa anumang sakit at hagupit. Walang dahilan para bumitiw ka.
Maligayang pagdating sa iyong tahanan. Liparin ang langit ng magkasama. Alam kong kay layo ng iyong nilakbay pero ngayong nagmahal at minahal ka, sa wakas, nakauwi na.
Transcribed by my good friend Kriselle :D  

Comments