Nanay's 67th

Maligayang kaarawan sa nag-iisang ilaw ng aming tahanan.
Salamat sa sakripisyo at di matatawarang pagmamahal mo samin.

Mula noon, hanggang ngayon at bukas, hindi ako magsasawang tawaging anak mo.
Isang pribilehiyong hindi ko ipagpapalit sa anumang yaman sa mundo.

Ikaw na hindi napapagod gumising nang maaga habang kami'y tulog pa.
Ikaw na ibinibigay ang lahat sa abot ng iyong makakaya.


Ikaw na nagbubuklod sa puso ng bawat kapamilya.
Ikaw na sa kabila ng sakit ay pinipiling magpatawad at sumuporta.


Ikaw na hindi naghangad ng luho, kaya naman ang Diyos ang nagbabalik ng pagpapala.
Ikaw ang nag-iisang kanlungan ng lumalaki nating pamilya.

Mahal na mahal ka namin Nay.
Biyaya ka sa Amin ng Poong Maykapal.


Late post of my special birthday poem and tribute to my favorite human on the whole earth. The most selfless, kind, and loving wife to my Tatay, mother to us, and Lola to her apo, that the Lord can give. We are truly blessed beyond measure.

Comments

Popular Posts