Eulogy for Tatay by Aizel

It takes courage and bravery to summon yourself to stand in front of people and deliver one of the most painful speeches you have to make in your life, not to mention finding the right words, carefully crafting the sentences, and writing the laments of your heart.

Thank you Aizel for this heartfelt message not only for Tatay but also for us listening to you, for allowing us to have a peek at your pure heart. You made most of us cry that day but you also made us so proud to see how you have matured beyond your age and reminded us that we have a choice to be grateful.

****

Hello everyone, I just want to express my gratitude for having tatay in my life. Hi tay. Si tatay yung tipo ng tao na mahirap ma-gets. Maraming nakaka-misinterpret sa kanya kasi minsan hindi mo alam kung biro lang ba yung sinasabi niya or totoo. Minsan naman parang galit siya pero hindi naman pala talaga. 

Nung bata pa ako, ayaw ko talaga kay tatay. Nagagalit ako pag pinapagalitan niya kami. Naiinis ako pag pinapatulog niya kami ng tanghali. Natatakot ako kasi magreready pa siya ng pamalo with matching lock ng gate pag makulit kami or nag aaway kami ni Buboy. 

Pero, as I grow up, nung unti-unti nang nagmamature yung utak ko, dun ko narealize na yun pala yung way niya ng pagshow ng love and care sa amin. Habang lumalaki ako mas nagegets ko yung ugali ni tatay. Mas nagets ko kung pano makikisama sa kanya at pano siya ihandle. Kaya naging maganda yung relationship namin at napansin ko na mas hindi na siya nagagalit at ganon din ako. 

Kahit na wala si papa, si tatay yung naging father figure sa akin. Siya yung nagtreat sa akin na parang prinsesa kaya never kong naramdaman na may kulang. 

Sobrang mami-miss ko yung masasarap niyang luto. Yung paglagay niya ng maraming carrots at patatas sa ulam kasi alam niyang favorite namin yon. Yung paglibre niya sa akin ng meryenda kila ate Jean. Tapos pag hindi nagtitinda si ate Jean dadayo pa siya sa bakery para bumili ng tinapay para may meryenda kami. 

Nakakalungkot lang na hindi na namin siya kasama sa pag achieve ko ng mga milestones and goals ko sa buhay. Yung debut ko next year, yung priority kong kasayaw wala na. Hindi niya na naabutan yung grades and awards ko this school year. Gusto ko pang makita ako ni tatay na grumaduate, pero sobrang unexpected talaga ng mga pangyayari sa buhay. 

Pero, I’m sure na kahit wala na siya dito physically, he will forever remain in our hearts. I’m sure sinusuportahan niya parin kami mula sa heaven. 

Goodbye, Tay. After all those hardships na naranasan mo, you deserve to rest in paradise together with Jesus. It will take some time bago namin ma-accept yung fact na wala ka na kasi kahit saang sulok ng bahay naalala ka namin. Ang sakit kasi wala na nga akong papa, mawawala pa yung tatay ko. Pero kakayanin ko ‘to, tay. 

We love you. I love you. You’ll always be the best man in my life, Tatay.

Comments

Popular Posts